<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30

ang mga nakaraang lathala ay matatagpuan sa kakaibang dingas ng petsa sa kalendaryo. SALAMAT!

Si Pnut Gritil ay isang promding naglalakbay sa pamamagitan ng kanyang pinakapaboritong sasakyan ang baby bus sa kanyang pinakapaboritong puwesto ang tabing bintana.

Nangangarap umusad ng kaunti ang buhay habang nagpapaalipin sa mga dayuhang hapon sa makabagong siglo.

Isang dakilang manggagawang pinoy na naglalaan ng kapiraso sa kakarampot na suweldo para sa buwis (para daw sa ikauunlad ng nalulugmok ng bayan), SSS (para sa pansariling kinabukasan), PAG ? IBIG (para sa bahay), Philhealth (para sa kaligtasan). Habang ang natitira ay ibinibigay pa sa mahal niyang ina.

Makabayan. Mapaglinlang. Medyo mayabang. May karamutan. Palakaibigan. At higit sa lahat madaldal with 2000 words per minute, sabang sari ? saring chismax ang alam, round the clock (dahil hindi natutulog ang chismis). Salamat sa mga sites... na nagpapahiram ng kani - kanilang mga ideya...

Kung merong dapat katakutan sa kanya ito ay ang kanyang 360 degrees na mata na may tendency na lumaki ng 3X the usual size at tulad ng isang halogen lamp sa liwanag.

Pero salamat sa mga matang ito dahil ito ang saksi sa everyday living. Patunay lang na ang lahat ng nasusulat sa blog na ito ay true to life (oo, inaamin ko na) experience/s hindi lang ng otor pati na rin ng ibang living and non living things, today, yesterday and tomorrow.

Pinagpagurang ilathala ni Pnut Gritil ang tunay na all around clerk. MGA LARAWAN
(s u l y a p)


PINOY BIG BROTHER FAN ART

TULA - TULAAN
(tse tse buretse)


TIPS SA BUHAY
(smart tips)


V i R i D i A n RooM

C R i M s O n RooM

isang tula para kay gretzki
ni Andres Confessor Jr

nakakapanibago
ang takbo ng oras
waring hinihila
ang bawat silahis ng sinag
ng araw na lumulusot
sa munti kong lungga
na binalot ng katahimikan

nakakapanibago
ang katahimikang
bumabalot sa tikladong
dati-rati'y hayok sa
pagluluwal ng mga salitang
pilit na ipinagtatagpi-tagpi
upang makabuo ng diwang
salungat sa nilulunggati
ng posturang nakahuklo

nakakapanibago
ang posturang nakahuklo
sa upuang pinagsawaan ng
ilang makata
ang nangungupas na
telang balot ang kaulayaw
ng bawat tagaktak ng pawis
sa saliw ng hatsing
at tikatik ng mouse
ng kaluluwang lumulutang

nakakapanibago
ang kaluluwang lumulutang
sa bawat linya ng tulang
hinahabi at pagdaka'y
ibabaon sa tampipi
ng kahapong kinalimutan
upang muling iguhit
ang mga bakas
na binura
ng takbo ng oras

isang simpleng blog

na ginawa ng isang simpleng tao

para sa sabihin sa kapwa niya,

"hindi ka nag - iisa . . .

pareho lang tayo"

"kung may pagkukulang ka . . .

ganun din ako"

"kung me pagkakamali ka . . .

parehas lang tayo"

kaya hindi pansarili itong blog na ito

para sa ating dalawa

para sa ating buhay

na puwede nating pagkuwentuhan

kahit anong oras at araw

basta't eto tayo pareho

sa masaya man o sa lungkot

ay laging magkasama

makikinig,
magsasalita
tatawa
iiyak
maiinis
at pagkatapos ng lahat

sasabihin natin...

Lord... salamat!



WINDMILLS OF THE GODS by Sidney Sheldon
Veronika decides to Die at 11 Minutes by Paulo Coelho


IT WAS ON FIRE WHEN I LAY DOWN ON IT
BY THE RIVER PIEDRA I SAT DOWN AND WEPT
ALL I NEED TO KNOW I LEARNED IN KINDERGARTEN
THE SUMMONS
CHOCOLATE FOR A WOMAN'S COURAGE
THIS IS MY STORY
STAINLESS LONGANISA
HARRY POTTER 6
The Testament by John Grisham
Tuesdays with Morrie by Mitch Albom
The Five People You Meet in Heaven by Mitch Albom
Da Vinci Code by Dan Brown
Angels and Demons by Dan Brown
Deception Point by Dan Brown


INQUIRER
TV PATROL



D R E A M C A T C H E R
B O K A L I S T A
CHANGING LANES
K O R E A N L i F E
C R U i S i N'
IRIDESCENCE
BUNTONG HININGA
PRINCESS BARBIE
T R i P O D
HUNTER SEEKER
P S Y C H E D E L i C
D U K H A
POINT BLANK
BUTTERED GULAMAN
ALL ABOUT US
MARHGIL'S KUKOTE
PIECES OF ME
YOUR LOVE
JEN's BLOG
B U H A N G O O K
R E F L E C T I O N S
PROUD TO BE SINGLE
THE SWEETEST THING...
TSOKNAT WORLD
ICE QUEEN
TRANQUIL CORNER
TIGHT ROPE WALKER


P R a Y e R R e Q u e S T
FRIENDSTER
P E Y U P S
P A N I T I K A N
DIGITAL PINOY
DE LA SALLE UNIVERSITY - DASMARIсS
HERALDO FILIPINO
YAHOO!
NATIONAL BOOKSTORE
PINOY BIG BROTHER
2005 PHILIPPINE BLOG AWARDS
PHOTOBUCKET
23rd SEA GAMES



Global Nation | Celebrating the  Filipino Spirit!
free hit counter
If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Saturday, September 27, 2008
Two xs and one y

It was one of those humble nights

 

I called his name, with lambing sa dulo (I dont know if he noticed it) during his walk to the comfort room.

 

He said, saglit lang. And I waited.

 

After a few minutes, he grabbed a chair and sat beside me.

 

And we talked, a getting to know each other conversation that started with love thing.

 

He said he wanted to know more about my love life. (Grabe ang haba lang ng hair ng lola mo)

 

Marami kang dapat ikuwento, he said.

 

Weh?! my reaction.

 

Shoot!

 

May girlfriend ka na?

Wala.

Pero nagka girlfriend ka na?

Hmmmmm hindi girlfriend...

Eh ano?

 

And he is thinking for the right term to define his previous relationship.

 

Casual.

Casual? How is that? M.U?

hmmmm not so.

Illegal?

Hindi rin.

Legal

Not much

 

Gosh!!! Whatever that is.

 

What happened?

Wala lang, it just ended. Kasi nga casual lang.

 

Ok. Now I am starting to know what a casual girlfriend is.

 

How about now?

Hmmmmm kung dumating siya eh di siya.

 

Naks! Safe answer.

 

Alam mo ba, I thought its you and <another girly from the block>

Hindi noh.

But you are close talaga.

Were just friends

Eh, what do you like in a girl ba?

Yung tipong mapapalingon ako?

Yup!

Siguro yung may hitsura.

Oh men! Given na iyon eh, always looking for the physical appearance.

And everything follows.

 

Hehe feeling mo naman guwapo ka!

 

Ikaw? Hes pertaining to me.

Nagkaboyfriend ka na?

Yup! Ang blunt ko talaga.

I got two ex-es and

one y?

Yup two ex-es and one y.

 

I liked the way he call it.

 

My first ex is a showbiz personality, meaning, taga dito siya. We broke up. dot dot dot

 

Siguro sabi niya sa sarili, interesting.

 

And so I continue

 

My second ex is non showbiz. But he got most of the yes votes around here. Kaya lang its another failed relationship, we broke up after a year. On the other hand, si Y naman only lasted for a couple of days. Hes a good friend, kaya lang basta its all my fault.

 

And with this age of yours, hindi ka ba naghahanap?

 

At 29, kailangan ko ba talagang maghanap?

 

Well, I am not searching but I am not closing doors. God will provide naman eh. God will create the best love story of our lives naman, in His time. As of the moment, Ill just do my thing muna, photography, travel, marami pa akong gustong gawin

 

puwede ba bago mo gustong gawin ang mga gagawin mo loadan mo muna ako

sure! Number mo po how much?


Posted at 08:51 pm by pages
oi merong (1) dumalaw  

Sunday, July 06, 2008
photographer, lensman, kodaker... or whatever you want you want to call it

Photographer daw ba ako?

Turista daw ba ako?

Nagtratrabaho daw ba ako sa isang dyaryo?

Yan ang pangkaraniwang tanong na itinatanong sa akin ngayon, mula nang binili ko si Nikon D40. Para bang nag iba ang estado ko sa buhay tuwing may makakakitang nakasabit sa leeg ko ang aking entry level DSLR.

Kung alam lang nila inutang ko lang iyon. Hehe...

Pero ang point kasi dun, para bang nagtratrabaho sa isang dyaryo or isang turista ang dapat mag may ari ng ganun.... Gosh! Kung alam nila na parang kabute nang nag uusbungan ang mga photographers ngayon. AT higit sa lahat... lahat sila nakahihigit sa akin. huhu!

Pero kahit ganun... hindi pa rin ako nagpapatalo sa kanila. Kahit kulang sa experience at nagrerely lang sa mga artiks sa internet tungkol sa photography at walang knowledge sa ganitong aspeto ng pamumuhay... natututo rin ako at higit sa lahat nakikipagsabayan.

Yun nga lang, hindi ko alam kung nakakasabay ba ako sa kanila.

Kulang pa ako sa investment. Mahal din naman kasi ang ganitong hobby. Sa lens lang 9k na yung pinaka mababa na alam ko. sa mini studio pa, sa mga cd ng workshop at mga seminars na kailangang attenan... kailangan kong mag ipon... starting this day...

anyway, yun pong mga works ko makikita niyo sa www.pnutgritil.multiply.com


Posted at 10:06 pm by pages
may dalaw ba ako?  

Sunday, June 08, 2008
katapat

isang gabi...

may nakasabay akong isang lalake sa dyip. grabe na lang ang paghanga ko sa kanya. neat looking, with specs, manipis na ilong, may well trimmed goatee, black 3/4ths na polo at mailman bag... in short... fetish itung passenger na ito... at wag ka, katapat ko pa... so hindi ako nahihirapang sumulyap sulyap sa fetish kong ito...

at pinagmamasdan din niya ako...

so nagkakatinginan kami...

hihi... kilig to the bones naman ang lola niyo... (asus! kalandi ko naman)

anyways, back to my kuwento, tila may ka eb ang lolo niyo dahil tumitingin siya sa relo habang nag tetext siya... (gosh! wish ko lang na ako ang ka eb niya). tinitingnan niya ang signboard ng mga commercial establishments. (gosh! bakit hindi na lang ako ang tinatanong niya dahil kabisadong kabisado ko naman ang nilalakbay namin). tapos, tila nag iisip pa siya ng irereply...

or maybe, wala na siyang load...

oist may load ako, at nagbebenta ako ng aliw...este load... globe ka ba? kasi globe din ako... pero kung smart ka... well, kaya kitang loadan pa din... dahil may mga kuneksyunes aketchiwa!

at nagsawa na lang siguro siyang magtext... dahil napagdesisyunan na niyang matulog. (at tulugan ba daw ang beauty ko?! ganun??? sleepy mode siya? o sige na nga... baka pagod ang lolo mo)

so habang natutulog ang katapat kong fetish, inisip ko din na baka call center agent siya. sa looks, sa style, sa fashion... tipong pang call center agent... o baka naman ahente ng encyclopedia...

oh well, whatever!!! basta fetish is fetish exclamation point no dot dot dot.

so para akong anghel dela guardia na pinagmamasdan ang kanyang pagtulog sa umuugoy na dyip...

at...

nalaglag...

nope...hindi ang pants ko...

at hindi rin ang gamit ko...

kundi...

kundi....

kundiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii...

gosh isang rebelasyon ito.......

nalaglag...

ang...

ang...

ang...

laway niya...

oo... ang laway niya...

sumabay sa gravity ng earth ang laway niya...

gumuhit sa ere na parang isang capital i na ang font style ay arial... ang font size ay 100+...

at nahulog iyon sa bagong press niyang 3/4ths na black polo...

sa 5 seconds na pangyayari iyon parang nagravitysize din ako back to earth... and back to my sanity...

he is not my fetish anymore...

kung turn off siya sa akin...

well, must turn off din ako sa kanya...

all i can feel for him is awa...

wawa naman si ex fetish... pagod na pagod...

at nagising siya, pinunasan ang gilid ng baba... pero ang mantsa sa kanyang polo...ng kanyang laway, ay tinuyo na ng hanging nagpapahele sa kanya...


Posted at 07:34 pm by pages
may dalaw ba ako?  

Tuesday, May 20, 2008
Rodics

Antagal naman ng order natin, sabi ko sa kanya.

 

Asus, parang hindi ka pa nasanay dito, sagot naman niya.

 

Oo nga naman, bakit nga ba ako hindi pa masanay. Eh paki elam ba niya kung hindi pa ako masanay sanay sa paghihintay ko sa kanya este sa tapsi ng Rodics.

 

Dito kami sa Rodics madalas kumain ng tapsi. Masarap ang tapsi dito (naks! Advertising). Pero higit pa sa lasa ng tapsi ang ikinagusto ko sa Rodics, dahil sa loob ng Rodics, parang amin lang ang mundo. At yes! Nasosolo ko siya dito, getting closer and closer din kaming dalawa dahil sa maliit na venue ng Rodics. Hihi! Marami na rin kaming mga secrets na nasheringan dito sa Rodics, may mga wag na lang nating alalahaning mga ka-okrayan at mga memorable experiences na sadyang over the tapsi ng Rodics namin pinagkukuwentuhan. Isama mo na ang mga walang kabuluhang kakornihan at kung ano anong kabalahuraan, dito namin laging pinag uusapan. Masaya na ako sa ganitong set up, friendly friends lang, walang commitment. Adik nga lang siguro ako. Pero enjoy naman ako na kasama siya at sana enjoy din sana siya na kasama ako.

 

Panay ang take out ng mga tao, kabisihan siguro kasi malapit nang matapos ang summer classes. Yung iba aral na lang sa dorm or yung iba sa ibang place lalafang. Basta kaming dalawa, sa Rodics, tapos.

 

Ayan na! Atin na yan, sabi niya. At iniabot na nga ng babae ang aming order.

 

Dig in! sabi ko naman. Paano ba naman gutom na gutom na ako.

 

Haha! Parang hindi kami kumain for 48 years. Parang kinalimutan namin na kailangang maging finesse sa pagkain. At hindi parang mga patabaing baboy na lang. hehe. Pero ganun talaga kami. Be yourself.

 

Sa gitna ng lahat tila kailangan ko ng tubig

 

Makikipagbreak na ako sa gf ko simula niya ng kuwento.

 

Teka, tama ba ako sa narinig ko o bingi lang ako Pero deadma lang

 

Hoy! Magsalita ka naman diyan! halos matulig naman ako.

 

Makikipagbreak na ako sa gf ko, inulit niya.

 

Narinig ko, malumanay kong sagot na parang ordinaryong pangyayari lang ang pakikipagbreak niya.

 

Pero sa loob loob ko, kailangan ko bang matuwa kailangan ko bang magreact kailangan ko bang mabilaukan Ano ba? At tila kinakabog kabog ang dibdib ko, parang may fireworks sa loob TUBIIIIIIIIIIIGGGG!!!

 

Pero demure pa rin.

 

Wala ka bang irereact? tanong niya.

 

Sige kuwento ka lang, sagot ko habang isinasawsaw ang tapa sa suka.

 

Eh ano naman ang gusto mong sabihin ko, ang sabi ni inner self. Dapat ba akong magtanong ng why, when, where, what, at how? At sana hindi niya halata na tila nanginginig lang ako sa excitement ng kuwento niya. Ehem! Tubig pleeeeeeeease!

 

Ewan ko ba basta bigla na lang nag die down ang feelings ko sa kanya. Parang hindi siya eh, subo niya ng kanin.

 

Nagdie down? Hindi siya? Eh sino?

 

Masama ba ako? tanong niya.

 

Hinde.

 

Hindi. Sagot ko.

 

And here goes my unsolicited advice segment.

 

Natural lang yun. Lahat naman tayo naghahanap sa the one. Dun sa sadyang feel natin na makasama, parang Lovingly yours lang ang drama ko.

 

May nahanap na kasi akong iba, explain pa niya.

 

Acheche ganun kadali?! Gosh lang ha. At tumango lang ako. Lost of words ako, kasi hindi ko lang alam kung anong irereact ko kasi makikipagbreak siya at may nahanap na agad siyang iba o dahil masarap lang ang tapa at itlog. Hindi ko rin alam kung tama bang itanong kung sino.

 

Kaya lang hindi ko lang sure kung gusto ako nung taong iyon, dugtong pa niya.

 

Panu kung hindi? tanong ko.

 

Ok lang. Willing to wait naman ako eh, sagot niya.

 

Teka, bakit nega naman agad ang isinagot mo, sabi pa niya.

 

Eh kasi mas madali ang sagot kung itatanong ko kung, panu kung gusto ka rin niya, happy ending agad iyon, sabay subo ko ng kanin na halos ga ulo ng kuting ang laki.

 

At hindi ako makahinga!

 

Ok ka lang? at tumayo siya sa upuan niya.

 

Binabayo ko na yung dibdib ko. Pero parang walang effect. Nandidilim na ata ang paningin ko pero tila mas tumatalas ang pandinig ko. Parang mawawalan ata ako ng malay.

 

Miss, tubig naman diyan may nabubulunan ditto, sigaw niya sa waitress na tila nawindang sa pangyayari. Sadyang kawindang windang naman eh.

 

Huy! Ano ba pilitin mong huminga! sinisigawan niya ako.

 

Anak ng nahihirapan na nga ako eh pipilitin mo pa akong humingaDumidilim na talaga ang paningin ko. Bibigay na ata ako Pero pano ang kuwento niya ano ang ending At bumagsak ako

 

 

Pero naririnig ko pa siya.

 

Ano ba?! pasampal sampal pa siya sa pisngi ko.

 

Wag naman ngayon kasi ikaw ang gusto kong makasama. Ikaw kasi iyon eh...Basta... Huy! Ano ba?

 

Ano daw??? Paki ulit nga

 

uhhhhh...huuuuuuuh...

 

Huy ano ba! Hindi ka ba gigising nakakahiya na dito sa loob ng library, humihilik ka na!

 

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Library??? Teka parang Rodics lang kanina ah. Library na ngayon Nag time space warp ba kami? Parang na lost ako bigla...Itiningala ko ang ulo ko. At nakatingin siya sa akin.

 

Anong ginagawa ko dito? tanong ko sa kanya.

 

ano ka ba?! Kanina pa kaya tayo andito, nagrereview po tayo para sa finals natin at tinulugan mo ako ha, explain niya.

 

TALAGA?! gosh ha... false alarm lang pala ang lahat... pwede bang matulog ulet... at wag nang magising...

 

ay opo! sagot ng lolo mo.

 alam mo, gutom lang yan, tara, rodics na lang tayo. Gutom na rin kasi ako eh. Treat mo ha! biro pa niya.

 

Rodics? Hindi pala totoo ang lahat.

 

Teka pala, nanag inip ka kanina sabi mo gusto mo din akong makasama ano kaya yun HAHAHAHA!!! sabi niya.


Posted at 11:48 pm by pages
oi merong (2) dumalaw  

Next Page